Ang Batanes ay isang lalawigan sa hilagang Luzon. Ito ay kabilang sa Region 2. Ang lalawigang ito ay ang pinakahilaga sa buong Luzon. Binubuo ito ng mga pulo ng BatanSabtangItbayat at iba pang mga malilit na pulo. Halos ilang kilometro na lang ito sa bansang Taiwan. Ang Batanes ay isang kakaibang lugar dahil sa kultura at kalikasang tanging kanila lamang.






Heograpiya

Ang Batanes ay pinagsasalikupan ng Dagat Pilipinas at Dagat Timog-Tsina pangunahing pulo: Batan, Ito ay nasa hangganan ng Bashi Channel sa hilaga, Dagat Pilipinas sa silangan, Dagat ng Timog-Tsina at Balintang Channel sa timog. Ang Batanes ay kilala sa pagkakaroon ng mga burol, talampas at puti at itim na buhangin sa dalampasigan
Ang Batanes ay may anim na munisipalidad, 29 na barangay at isang distritong Pambatasan. Ang anim na munisipalidad ay ang sumusunod: Ivana, Uyugan, Mahatao, Basco, at ang dalawang pulo na mayroong munisipalidad: Sabtang at Itbayat.


Demograpiya 

Mayroong 16,467 populasyon ang lalawigan ayon sa Pambansang Tanggapan ng Estadistika noong 2000 sa lupa na may sukat na 230 kilometro kuwadrado.

Wika 

Ang pangunahing wika ay Ivatan, 93.94 porsiyento ng sambahayan.ang Gumagamit nang ganitong wika. Ang iba pang ginagamit na wika ay Ilokano, Ingles at Filipino.

Ekonomiya 

Ang karaniwang hanapbuhay ng mga Ivatan ay pagsasaka dahil sa lawak ng lupaing pansakahan dito. Nag-aalaga rin sila ng hayop tulad ng kambing at kalabaw upang ibenta. Ang pangingisda ay kanila ring ikinabubuhay lalo na tuwing buwan ng Marso hanggang Hunyo, kapag kalmado ang tubig sa dagat.



Klima

Madilim na ulap sa ibabaw ng parola ng Basco, nagbabadya ng ulan

Ang klima dito ay halos pareho ng sa Taiwan. Kadalasan ang lugar ay nakakaranas ng mababa sa normal na temperatura na 55 degriFahrenheit (13 °C).

Ang probinsiya ay kadalasang winawalis ng malakas na hangin at ulan na syang nagbibigay ng maling paniniwalang ang Batanes ay palaging ginugupo ng mga bagyo.Kung bakit ang Batanes ay laging naiiugnay sa sama ng panahon, ito ay dahil sa ang kabisera nitong basco ay ang huling himpilan ng panahon sa hilaga. Ito rin ang lugar na pinagbabatayan ng lahat ng bagyo na pumapasok sa nasasakupan ng Pilipinas. Wala itong ipinahayag na tuyo at basang panahon. Umuulan dito ng halos pinakamababa ang walong araw hanggang sa pinakamataas na 21 araw sa loob ng isang buwan. Nakakaranas dito ng praktikal na apat na pahahon, ang pinakamainam ay ang tag araw (Abril-Hunyo) at taglamig (Disyembre-Pebrero), kung saan ang temperatura ay kadalasang bumababa sa pitong digri Celsius.

Ang mainam na panahon ng pagpunta dito ay tuwing kalagitnaan ng Marso hanggang Hunyo. Ang "Indian summer" kadalasang nag uumpisa ng Setyembre. Minsan, ang panahon ay nag uumpisang maging maganda pinakamaaga na ang Pebrero hanggang sa pinakahuli ang Hulyo. Hanging galing hilaga o timog ang nagdadala ng malamig na hangin. Nagdadala rin ang mga ito ng sama ng panahon at namumuong mga ulap na nagiging dahilan ng pagkakansela ng pagdating o pag alis ng eroplano. Ang tag-lamig, ay ang malamig na panahon na nararanasan ng Ivatan kaya tinatawag nila itong tag-lamig (winter) ay nararanasan tuwing Disyembre hanggang Pebrero. Kung mag pupunta ng Batanes, lagi lang tandaan na sa mga islang ito ayvmadaling magbago ang panahon. Kung kaya't dapat maging handa sa anumang panahon ang mararanasan mo.



Pisikal

Ang Batanes ay 680 km ang layo sa Maynila at 280 sa bayan ng Aparri. Sa hilaga nito, naroon ang kanal ng Bashi, sa timog naman ay ang kanal ng Balintang. Sa kanluran ay ang Dagat Timog Tsina, at sa silangan ay ang Karagatang Pasipiko. Binubuo ang lalawigan ng sampung isla. Ito ang Batan, Itbayat, Sabtang at Vuhos na pinakamalaki, ang iba pa ay Siayan, Mavudis, Misanga, Ditarem, Dinem at Dequey na walang nakatirang tao.

Kalikasan

Ang flora at fauna sa Batanes ay talagang katangi-tangi at doon lang matatagpuan. Maraming species ng mga hayop at halaman ang doon lang matatagpuan. Pati ang mga tanawin doon ay kakaiba, tulad ng mga bundok at mga dalampasigan.

Mga tanawin

Mga bundok at dalampasigan:

· Valugan Beach

· Mt. Riposed

· Mt. Iraya

· Mt. Matarem

· Rapang du Kavuyasan

· Mt. Karobooban

· Duvek Bay

· Vuhos Marine Reserve

· Tukon Hedgerows

Mga tradisyonal na bahay sa:

· Savidug

· Chavayan

· Nakanmuan

· Sumnanga

· Diura

· Raele

Mga arkitekturang may impluwensiyang Kastila:

· ang simbahan at plaza ng San Carlos Borromeo, Mahatao

Mga Ijangs (mga fortress o kuta sa mga bundok):

· Itbud Ijang

· Ivana Ijang

· Chuhangin Ijang

· Savidug Ijang

Mga tirahan ng mga sinaunang Ivatan:

· Rakuaydi

· Nahili du Vutox

· Mt. Karobooban

Mga libingang pa-barko ang hitsura:

· Chuhangin

· Nakamaya

· Turungan
Mga hayop at halaman

Mga puno:

· Vutalaw (Calophyllum inophyllum)

· Aynas (Anacardium occidentale)

· Nato (Palaquium luzoniense)

· Malaapdo (Gonstylus bancanus)

· Vatinglaw (mga species ng Diospyros)

Mga damo:

· Vayasuvas (Freycinetia willamsii)

· Tamidok

· Karukmuten

Mga hayop:

· Indochinese shrew (Crocidura attentuata)

· Riyuku flying fox (Pteropus dasymallys)





No comments:

Post a Comment